Free Range Chicken Farming gusto mo bang subukan?

 

Sa panahon ngayon marami na sa mga consumers ang health conscious. Tumataas na ang demand ng mga produktong inalagaan at pinalaki sa natural na pamamaraan. Sa mga gulay, gatas, karne at isa na dito ang mga produktong galling sa manok.

Ang Free Range Chicken Farming ay isang pamamaraan kung saan ang pag aalaga ng manok ay ibinabalik natin sa natural na kapaligiran. Hindi sila katulad ng mga nakagawiang commercial growing kung saan ang mga manok ay ikinukulong at pinapakain ng mga pagkain na sagana sa growth hormones at antibiotics na naipapasa at hindi nakakabuti sa katawan ng isang consumer. Sa paraang Free Range Farming ay hinahayaan nating nakagala an gating mga alagaing manok upang sila ay malayang makatakbo, magkaykay, magbilad sa araw at kumain ng mga damo at insekto na nasa kanyang kapaligiran.

Noong mga unang panahon ang ginagamit ng mga nag aalaga ng mga manok ay ang ating mga native na manok. Ito ay may katangian na patok sa panlasang pinoy. Malasa, masarap at masustansya sa dahilang sila ay hindi supplementado ng mga growth hormones at antibiotics na gaya ng mga commercially grown o caged chicken. Sila ay malaya ding nakakagala sa paligid upang maghanap ng mga natural na pagkain gaya ng damo at insekto na nagsisilbing pagkain at bitamina nila.

Gusto nating ibalik ang sustansya at lasa ng mga kinakain nating manok? Ibalik natin sila kung saan sila dating inaalagaan. Ito ay ang Free Range na pamamaraan.

Ano ang mga dapat tandaan sa pag-sisimula sa Free Range Chicken Farming?

  1. Kaalaman sa pagpapatakbo ng Free Range Chicken Farming. May mga institution at mga indibidwal na nagsasagawa ng pagtuturo o seminar tungkol sa Free Range Chicken Farming. Malaking tulong ito sa pagsisimula ng inyong manukan upang malaman ninyo ang mga dapat ninyong ihanda at mga dapat iwasan sa pagpapatakbo ng Free Range Chicken Farming.
  2. Lahi ng manok na inyong aalagaan. May mga tamang lahi ng manok sa bawat produktong gusto ninyong paramihin o iproduce. Kung kayo ay naglalayong magparami ng itlog nararapat sa inyong farm ay mga “LAYER TYPE” na lahi ng  manok. Kung kayo naman ay naglalayong magproduce ng karne ng manok ang dapat ninyong kunin ay ang “MEAT TYPE” na lahi ng manok upang ito ay umayon sa inyong mga plano. Nakabubuting kumuha ng mga manok sa mga supplier na may maganda at purong Breeders. Nang sa ganun ay makakuha kayo ng de kalidad na lahi na makkatulong sa pagpapa unlad ng inyong Free Range Chicken Farm.
  3. Lugar o Lokasyon ng inyong napiling farm. Dapat ay panatilihin itong malinis upang maiwasan ang sakit o peste sa inyong mga alagaing manok. Ang pagpapanatiling malinis ng inyong galaan ay nakakatulong din na maiwasan ang mga hayop na maaring makapinsala sa inyong mga alagaing manok. Lagyan ng bakod o net ang paligid upang makasigurong ligtas sa anumang hayop ang inyong alaga.
  4. Housing o tuluyan ng mga manok. Mas makakbuting ilagay ito sa malamig o malilim na lugar upang mabawasan ang init sa panahon ng tag araw. Dapat ito ay ligtas lalo na sa gabi kung saan sila ay hahapon o matutulog. Maglagay ng mga tutuntungan ng manok na nakataas mula sa lupa. Dapat rin ay may sapat na espasyo ang bawat isang manok upang maiwasan ang overcrowding.
  5. Mag umpisa sa maliit o kaunti lamang. Mas makakabuting kumuha ng kaunti sa unang beses na mag aalaga. Ito ay upang maiwasan ang pagkalugi o pagkamatay ng inyong alagaing manok. Mas madaling ma kontrol ang isang maliit na lupon habang kayo ay nag aaral pa lamang at habang hindi pa kayo pamilyar sa ganitong teknolohiya. Kapag kayo ay naging pamilyar o bihasa na sa ganitong pamamraan ng pag aalaga, maari na ninyong dagdagan ang inyong alagaing manok.
  6. Dapat isaalang alang ang pagkain ng inyong mga alagaing manok. Siguruhin na ang inyong ibibnibigay na Feeds ay malinis at bago. Ang lumang Feeds ay maaring nagtataglay ng “amag” o molds na makakasama sa inyong mga alagaing manok. Iwasan ang pagkain na may growth hormones kung nais ninyong ito ay mapanatiling natural ang pagpapalaki sa inyong alagaing manok. Maari ninyong bigyan ng mga mais, azolla, madre de agua, mais at gulay ang inyong mga alagaing manok bilang supplemento. Tandaan na ang mga ito ay pawang mga supplemento lamang na makakatulong upang mapababa ang inyong gastos sa Feeds. Ito ay hindi sapat upang makuha ninyo ang produksyon na nais ninyo sa tamang panahon. Maari rin kayong magbigay ng mga “Fermented Plant Juice at Fermented Fruit Juice” sa inyong mga alagaing manok. Ituturo ko po ang paggawa ng mga ito sa mga susunod na mga posts.
  7. Magbigay lamang ng malinis at bagong tubig sa inyong mga alagaing manok. Maghalo ng “PROBIOTICS” sa inuming tubig ng inyong mga alagaing manok upang makatulong sa pagtunaw ng kanilang kinain at pagpalakas ng resistensya laban sa mga sakit. ( tatalakayin ko sa susunod na post ang paggawa at gamit ng sariling “PROBIOTICS”).

Ito ay ilan lamang sa mga dapat ninyong tandaan at isaalang alang sa pag uumpisa ng inyong Free Range Chicken Farm. Maari po kayong magdagdag ng komento upang maibahagi rin sa ating mga Free Range Chicken Farmers ang inyong nalalaman at makatulong sa ating mga nagmamanukan.

Hanggang sa susunod na POST. Maraming Salamat Po. 😀

Paki LIKE po ang aming FACEBOOK PAGE sa ibang pang katanungan tungkol sa Free Range Chicken Farming. Click Here.

Advertisements

8 thoughts on “Free Range Chicken Farming gusto mo bang subukan?

    1. D po ako sure kung saan po merong pure sasso. BTW, yung sasso nga po pala ay d breed ng manok. Nakasanayan lang pong tawagin ng mga pinoy na sasso chicken. Sasso (Selection Avicole de LA Sarthe et du Sud Ouest) ganun din po KABIR. Ito po ay mga breeding company name. Some claimed their chicks are F1. Pero d ko po sure kung may nagsusupply po ng parent stocks dito sa Pinas. The late Bobby Inocencio po ang dating nag iimport nito. Pero kung di nmn po issue sa Inyo yng kung ilang generation na po nito ang makukuha nyo marami po nagpo post sa FB page join po kau sa Philippine Freerange Breeder farmers marami pong posting soon about free range chicken farming. Check nyo rin po si Doc Erwin Cruz. Certified supplier po ng Dominant CZ strains.

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s