Paghahanda sa pagdating ng inyong mga sisiw

Ngayong nakapili na tayo ng lahi ng alagaing manok at naghihintay ng pagdating ng mga sisiw nito.

Ano ang mga dapat nating gawin.

Mas makabubuting siguruhing kumpleto na ang mga gamit at bagay na kakailanganin natin sa pag aalaga ng mga ito. Siguraduhing gumagana ang mga ito bago dumating ang inyong mga sisiw.

May mga bagay at materyales tayong dapat ihanda at maisalugar, nasuri at hindi sira. Iisa isahin natin ang mga bagay na kakailanganin natin.

1. Brooder

Ang brooder ay isang lugar kung saan ang mga sisiw ay inilalagay upang painitan mula unang araw hanggang sa ika dalawamput isang araw. Ito ay ang katumbas ng pag limlim ng inahing manok. Sa bawat limampung sisiw (50) maari tayong gumawa ng 1 X 2 metro na brooder. Dapat ay may hanging dumadaloy sa ibabaw nito subalit may pantay pantay na init. Maaring gumamit ng 50 watts na bombilya na pangagalingan ng init. Habang lumalaki ang mga sisiw maari nang bawasan ang init sa loob ng brooder.

Mga palatandaan sa tamang init ng brooder:

Malalaman natin kung hindi sapat ang init sa brooder kapag ang mga sisiw ay maingay at nasa     isang lupon o grupo at nakatapat sa ilaw. Kapag sobrang init naman ay nakalayo sa ilaw karaniwang nasa sulok at nag iingay. Kapag tama ang init sa loob ng brooder mapapansin ninyong sila ay hiwa hiwalay at masiglang kumakain at tumatakbo sa loob ng brooder.

2. Bedding o Sapin

Maaring lagyan ng ipa o dayami ang sahig ng brooder. Panatilihin itong malinis at tuyo. Lagyan ng isa hanggang dalawang pulgadang kapal  ng bedding ang sahig. Palitan kapag ito ay basa na upang maiwasan ang pagtubo ng “amag o molds” na maaring magdulot ng sakit sa inyong mga sisiw. Maari itong palitan araw araw kung kinakailangan. Makakatulong din ang bedding upang maka balance ang inyong mga alagang sisiw sa mga unang araw nito.

3. Feeders and Waterers

Maari ko bang gamitin ang mga Pakainan at Painuman na gamit ko sa malalaking manok. Ang sagot ay hindi!

Ang mga ito ay dapat maliit na tama lamang sa maliliit na sisiw. Gumamit ng mababaw na painuman upang maiwasan ang pagkalunod ng inyong mga sisiw. Maari itong lagyan ng maliliit na bato o holen ( marbles ) upang maiwasan ang pagkalubog ng sisiw sa mga painuman. Maari din gumamit ng dalawang commercial drinkers small size.

Paalala: unahing bigyan ng tubig na may “PROBIOTICS” ang mga sisiw bago sila pakainin. Ito ang nakakatulong sa kanilang “panunaw o digestion” at nagbibigay ng paunang proteksyon sa mga impeksyon.

Sa Feeder o Pakainan maaring gumamit ng bilao sa mga unang araw ng mga sisiw. Kung mayroon sa paligid, maari ring gumamit ng apat na pirasong (4) biniyak na kawayan na may habang kalahating (1/2) metro bilang pakainan o feeder.

4. Feeds o Patuka

Feeds o patuka. Ang mga sisiw ay hindi pa makakakain ng pellets, ang kailangan nila feeds para sa sisiw. Makakabuting ihanda ito bago pa dumating ang mga sisiw. Maghanda ng chick booster para sa kanila. Maaring magbigay ng giniling na “brown rice” para sa unang pakain sa kanila ito ay makakatulong sa pag develop ng kanilang “panunaw o digestion”.

Kakailanganin nila ang pagkain na mataas ang protina para sa kanilang mabilis na paglaki. Gumamit ng chick booster na crumbles para hindi mahirapan ang mga sisiw sa pagkain nila.

Siguraduhing sariwa at bago ang inyong ibibigay na feeds o patuka upang maiwasan ang anumang sakit na maaring idulot ng lumang feeds. Ang lumang feeds ay maaring nagtataglay ng “amag o molds” na makakasama sa inyong mga alagang sisiw.

5. Heater o Ilaw

Ang pinakahuli at isa sa mga bagay na dapat ninyong suriin ng mabuti ay ang “heater o ilaw”.

Ang mga sisiw ay wala pang kakayahang magpanatili ng tamang init ng katawan sa mga unang araw nito. Mapapnsin natin na sila ay nag iipon ipon kapag hindi sapat ang init sa loob ng brooder.

Sa mga panahong ito ang ilaw ang magbibigay ng artipisyal na init na kailangan ng mga sisiw. Ang init na kailangan nila sa unang linggo ay 35 Degrees Celsius. Pagkatapos nito ay unti unting bawasan ng 5 Degrees Celsius kada lingo. Sa ika siyam ( 9 ) na lingo ito ay dapat nasa 18 degrees Celsius. Sa loob ng pito hanggang labindalawang ( 7-12 ) lingo kumpleto na ang tunay na balahibo nito at may kakayahan nang magpanatili ng kanilang init, maliban na lamang sa tag lamig.

Paalala: Ang heater o bombilya ay napakahusay na alternatibo para sa artipisyal na init para sa mga sisiw. Subalit ito ay maaring maging sanhi ng sakuna tulad ng sunog.gamitin ng may pag iingat.

Kung ang mga nakalista dito ay madali ninyong maisaayos bago pa dumating ang inyong mga sisiw ay mabuti. Subalit kung kayo ay hindi sanay mas makabubuting ihanda ang lahat ng mga ito isang araw bago pa dumating ang inyong mga sisiw.

Maligayang Pagdating!!!

Sa araw ng pagdating ng inyong mga sisiw, buksan na ang heater o ilaw ilang oras bago sila dumating. Suriin ang init sa sahig kung ito ay napapanatiling 35 Degrees Celsius na. mahahanap nila ito at doon sila gagalaw. Sa pag lipat ng mga sisiw galling sa kahon, siguraduhing ilubog sandal ang tuka ng sisiw sa tubig na may “PROBIOTICS”. Ito ay para turuan sila kung paano uminom at kung saan sila iinom. Sa feeds o patuka ilatag ito sa sahig, kaykayin o scratch ng inyong daliri ang patuka at magsisimula na silang mag kaykay o mag scratch sa feeds o patuka sa sarili nila.

Ilagay ang Painuman o Waterer ng bahagyang malapit sa ilaw ngunit hindi masyadong malapit. Ito ay upang mahikayat uminom ang inyong mga sisiw. Ang mga sisiw ay ayaw sa malamig na tubig.

Pagkatapos ng kanilang paglalakbay, sila ay kakain, iinom at matutulog

Silipin ng madalas sa loob ng ilang oras kung tama ang init sa loob ng brooder. Kapag sila ay nakakalat sa sulok ng brooder ibig sabihin nito ay masyadong mainit ang inyong ilaw. Kung sila naman ay magkakasama at dikit dikit maaring hindi sapat ang init ng inyong brooder..

Sila ay dapat nakakalat sa loob ng brooder, kumakain, tumatakbo at natutulog kapag sapat ang init ng inyong brooder. 😀

Napansin ninyo ba yung “PROBIOTICS”? Alam ba ninyo kung ano ang “PROBIOTICS” at ang magandang naidudulot nito sa inyong mga alagaing manok at sisiw. Kung nais ninyong matutunan ang mga gamit nito at ang pag gawa ng “PROBIOTICS”, mag komento lamang sa post na ito at ating tatalakayin sa susunod na mga post ang tungkol sa “PROBIOTICS”.

Maraming Salamat sa inyong pagbabasa. Hanggang sa susunod na Chicky Tips at post para sa mga Free Range Chicken Farmers. Set our chicken free! Free Chicky!

 

 

 

 

Advertisements

4 thoughts on “Paghahanda sa pagdating ng inyong mga sisiw

Add yours

  1. Thank you very much for this info about probiotic. Kindly provide us list of possible commercial probiotic.

    Highly appreciated. Thanks

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a website or blog at WordPress.com

Up ↑

%d bloggers like this: