Probiotics para sa inyong mga Free Range Chicken

 

Ang araw araw na paglalagay ng “PROBIOTICS” sa inuming tubig ng inyong mga alagaing manok at sisiw ay nakakatulong upang sila ay mapanatiling malakas at malusog . Ang resulta ay magandang kalidad ng karne at itlog. Hindi lamang nagdudulot ng kalusugan sa inyong mga alagain, bagkus ito ay nakakatulong din upang maprotektahan ang inyong mga alagain at ganun din ang mga kakain ng karne at ng mga itlog nito sa mga sakit na tulad ng Salmonella at E-coli. Ito ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit mahalaga ang paglalagay ng “PROBIOTICS” sa kanilang mga inuming tubig araw araw.

Ano ang PROBIOTICS?

Ang “PROBIOTICS” ay mga good bacteria na tumutulong palakasin ang immune system ng inyong mga alagaing manok at tumutulong sa tamang pagtunaw ng pagkain upang sila ay panatilihing malusog at mas mabilis na bumigat. Ibinibigay ito upang palitan o makadagdag sa mga bakterya na nasa gastrointestinal tract o daluyan ng pagkain na ng inyong mga alagaing manok.

Paano ito nakakatulong sa inyong Free Range Chicken?

Sa loob ng gastrointestinal tract o daluyan ng pagkain ng inyong alagain ang pinamamahayan ng nakakagulat na bilyon- bilyong bilang ng bakterya. Lahat ng mga ito ay nakikipag kumpitensya sa pagkonsumo ng pagkain. Ang mga uri  at bilang ng bakterya ay magkakaiba sa bawat uri at nagbabago habang tumatagal tuwing ang inyong alagain ay nae exposed sa mga bagong bakterya.  Karamihan ng mga bakterya sa loob ng gastrointestinal tract ng inyong mga alagain ay di nakakapaminsala. Ngunit ang ibang malulusog na manok ay maaring nagtataglay na ng mga bakteryang mapaminsala o “bad bacteria” gaya ng e-coli at salmonella. Subalit ito ay nasa napakababang bilang at hindi pa kayang magdulot ng pinsala. Ito ay nadadaig ng mga mabuting bakterya “ good bacteria” sa pagkuha o pagkonsumo ng mga sustansya na kailangan nila kaya hindi tumataas ang kanilang bilang at makapagdulot ng pinsala.  Ngunit paano kapag sila ay mas dumami at madaig nila ang mga mabuting bakterya o “good bacteria”?  Nakasalalay sa kung mas marami ang good bacteria o ang bad bacteria ang kalusugan at abilidad na labanan ang sakit ng inyong alagaing manok. Ang mga bakterya ay namamahay sa mga gastrointestinal tract ng inyong mga alagain kung alin sa mga bakterya ang mas nauna o mas nakakararami ay siyang mas may kakayahang manirahan dito at magparami.

Kapag ang bituka  inyong alagain ay malusog, ang “villi” tinatawag din na little fingers ay marahang dinadaluyan ng pagkain upang masipsip ang sustansya sa intestinal wall. Sa panahon ng stress, ang protective mucus ng bituka ay nababawasan. Dito ay maninirahan ang bad bacteria at ang mga “villi” na normal na nasa bituka ay nawawala. Ibig sabihin bababa ang absorpsyon ng sustansya na mauuwi sa pagbaba ng resistensya at madaling dapuan ng sakit o impeksyon.

Bakit mahalaga sa sisiw ang PROBIOTICS?

Ngayong alam na natin na ang mahalaga bilang ang good bacteria upang labanan ang bad bacteria, magiging malaking tulong ang pagbibigay natin nito araw araw lalo na sa ating mga alagaing sisiw. Ang mga sisiw ay may under developed na gastrointestinal tract at walang  kakayahang makapag ipon ng mga good bacteria dito. Mas madali silang makakuha ng bad bacteria sa pagbibigay ng kontaminadong pagkain, painuman at pakainan. Maaring ang pagkain ng mga sisiw ay kontaminado ng mga dumi ng daga o anumang hayop. Dahil dito, mas nakabubuting bigyan ng “PROBIOTICS” ang mga sisiw sa mga unang linggo. Ito ay mas matipid at epektibong alternatibo sa prebensyon ng mga sakit.

Maari bang magbigay ng “PROBIOTICS”  matapos magbigay ng antibiotics?

Ang pagbibigay ng “PROBIOTICS” pagkatapos ang paggagamot ng antibiotics ay makakatulong ng malaki.  “Pagkatapos”, ibig sabihin ay magbigay sa mga alagain ng probiotics matapos magbigay ng kanilang antibiotics. Bakit? Dahil susugpuin ng antibiotics maging ang good bacteria sa loob ng katawan ng inyong mga alagain. Kaya mas nakabubuting magbigay agad ng probiotics pagkatapos bigyan ng antibitoics upang sa ganoon ay makapagpondo tayo ng mas maraming good bacteria sa kanilang gastro intestinal tract bago pa man makapasok ang mga bad bacteria.

Ang inyong mga alagain ay madaling makakuha ng sakit lalo na sa oras na sila ay nagbi breed o na stress sa anumang bagay. At dahil sila ay Free Range, sila ay madalas na lantad sa mga baakteryang maaring magdulot ng sakit.  Kaya makabubuti kung sila ay bigyan ng probiotics sa kanilang inuming tubig. Sa pagbibigay ng probiotics sa inyong sisiw ay maaring maiiwasan silang magkaroon ng mga nakahahawang sakit. At sila ay magiging malusog, matipid sa feeds,  mabilis na lumaki at bumigat. Sa kalaunan ay makapagbigay ng masustansyang karne at itlog sa kanilang pagtanda.

Mga Benepisyo sa Probiotics sa mga alagaing manok

  • Nagpapatatag at nagpaparami ng kapaki-pakinabang na gastrointestinal microflora
  • Tumutulong upang pigilan ang pagdami ng mga enteric pathogen 
  • Pinagbubuti ng pangkalahatang timbang nang hanggang sa 30%
  • Pinagbubuti ang FCR (Feed Conversion Ratio).
  • Nakakatulong makabawas o makaiwas sa bilang ng namamatay na alagain.
  • Pinagbubuti ang absorption ng mga nutrients.
  • Nagpapabuti sa laki at kalidad ng mga itlog.
  • Walang side effects, Walang withdrawal.
  • Nakakatulong at ligtas para kalikasan.
  • Nakakatulong upang makatipid sa pangkalahatang gastos sa inyong hayupan.

 

May kamahalan ang ibang mga commercial probiotics subalit may mga paraan upang makagawa ng sarili ninyong “PROBIOTICS”. Ito ang ating tatalakayin sa mga susunod na post. Tatalakayin natin ang paggawa ng Home Made Probiotics. Subaybayan po natin ito. Like our Facebook Page Organiko Filipino Farm.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a website or blog at WordPress.com

Up ↑

%d bloggers like this: