Wastong pag aalaga ng inyong mga sisiw.

Ang pag aalaga ng sisiw ay hindi mahirap gawin kung matutunan natin ang mga tamang kaalaman sa pag aalaga ng mga ito. Kinakailangang nating alagaan ng tama mula pagka sisiw hanggang sila ay lumaki at handa nang mangitlog.  Sa inyong sipag at tiyaga sila ay lalaking malusog at kayo ang makakakuha ng magandang benepisyo sa pagkakaroon ng malulusog na mga manok.

Kung ikaw ay desidido nang mag alaga ng mga manok kinakailangan mong alamin ang pasikot sikot sa pag aalaga nito upang mapalaki at maalagaan mo sila ng wasto.  Ang mga manok ay mga nakakalibang na hayop  at madaling alagaan.

Sa pamamagitan ng inyong kaalaman sa pagpapalaki ng mga sisiw ikaw at ang iyong pamilya ay hindi mawawalan ng sariwang itlog at karne sa inyong hapag kainan.

Ngayon, para makapagumpisa sa pag aalaga ng inyong mga sisiw ito ang inyong dapat tandaan:

1.       Kapag dumating ang inyong mga sisiw, siyasatin silang mabuti. Tiyakin na malusog ang mga ito. Kung may napansin na may mukhang matamlay at may sakit ipagbigay alam sa nakuhanan ng mga ito. Tandaan, huwag tumanggap ng sisiw na may sakit. Ito ay maaring makahawa sa ibang mga sisiw.

2.       Kung ang lahat ng mga sisiw ay malusog at masigla, ang inyong susunod na hakbang ay ilagay sila sa kanilang kulungan o brooder ito ang kanilang magiging bagong tahanan. Siguraduhing ito ay may tamang init, pangkaraniwan 32 degrees Celsius ay sapat para sa isang buong lingo.

3.       Unti unting bawasan ang temperatura ng kulungan o brooder habang lumalaki ang inyong mga sisiw. Pagkalipas ng 4 na lingo maaari nang ilipat ang mga sisiw sa mas malaking kulungan kung saan sila ay makagagalaw at makakatakbo ng malaya. Subalit sa panahon ng tag lamig maaring kailanganin pa rin nila ang heater o pampainit sa kanilang tirahan.

4.       Bigyan ang inyong sisiw ng maraming tubig. Makakatulong sa kanila ang pag inom ng tubig na may Probiotics at Molasses. Ito ang magbibigay ng lakas at proteksyon sa inyong mga sisiw.

 5.       Ikalat ang kanilang patuka o pagkain sa kanilang kulungan o brooder upang sila ay makakain anumang oras na naisin nila.

 6.       Sa ika 60 na araw, maari ng ilipat ang inyong mga alaga sa isang kulungan na may pagalaan o ranging area.

7.       Pinakahuli, laging tatandaan na kapag ang inyong mga alagaing manok ay nakagala o “Free Range” sila ay  nanganganib sa mga ibang hayop tulad ng aso, pusa atbp. Mas makakabuting maglagay ng net o screen sa kanilang mga pagalaan bilang kanilang proteksyon.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a website or blog at WordPress.com

Up ↑

%d bloggers like this: